BREAKING: State of Calamity idineklara sa buong bansa dahil sa outbreak ng African Swine Fever

BREAKING: State of Calamity idineklara sa buong bansa dahil sa outbreak ng African Swine Fever

Nagdeklara ng state of calamity ang Malakanyang sa buong Pilipinas dahil sa outbreak ng African Swine Fever o ASF.

Sa bisa ng Proclamation No. 1143 ni Pangulong Rodrigo Duterte, simula nang unang maitala ang ASF sa bansa noong 2019 ay umabot na sa 12 rehiyon, 46 na probinsya at 493 na lungsod at munisipalidad ang apektado nito.

Dahil din sa mga kaso ng ASF, bumaba sa 3 milyon ang bilang ng populasyon ng mga baboy sa bansa at nagresulta na ito sa mahigit P1 bilyon halaga ng pagkalugi sa local hog sector.

Tumaas din ng husto ang presyo ng baboy dahil din sa ASF.

Nakasaad sa proklamasyon na mayroong urgent na pangangailangan para matugunan ang patuloy na pagkalat ng ASF.

Iiral ang State of Calamity sa loob ng isang taon, maliban na lamang kung bawiin ito ng mas maaga o palawigin pa.

Sa ilalim ng deklarasyon ng State of Calamity ay magagamit ng national government at mga lokal na pamahalaan ang pondo kabilang ang Quick Response Fund para matugunan ang problema.

Inaataasan ang mga ahensya ng gobyerno at mga LGU na gawin ang lahat upang maawat ang pagkalat pa ng ASF, matugunan ang suplay ng karne ng baboy, mapababa ang presyo nito at tulungang makaahon ang local hog industry.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *