BREAKING: Dalawang kaso ng COVID-19 India variant (B.1.617) naitala sa bansa ayon sa DOH
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapagtala na ng dalawang kaso ng COVID-19 B.1.617 variant sa Pilipinas.
Ang dalawang India variant ay na-detect sa 46 na samples na isinailalim sa sequencing.
Ang B.1.617 variant ay unang na-detect sa India.
Ang unang kaso ng B.1.617 ay 37-anyos na sea-based OFW na ngayon ay nasa Region 12. Dumating siya sa bansa noong April 10 at agad isinailalim sa isolation sa quarantine hotel
Ang ikalawang kaso ay 58 anyos na sea-based OFW na ngayon ay nasa Region V naman. Dumating siya sa bansa noong Apr. 19 at isinailalim sa isolation sa Clark.
Kapwa naka-recover na ang dalawang pasyente at kapwa asymptomatic ayon sa DOH.