Pagtanggap ng aplikasyon para sa financial assistance sa ilalim ng ‘CAMP for the Tourism Sector’ ihihinto na ng DOLE
Isasara na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa P5,000 financial assistance sa ilalim ng COVID-19 Adjustment measures Program (CAMP) for the Tourism Sector.
Sa nilagdaang labor advisory ni Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III, naabot na gn ahensya ang target beneficiaries para sa nasabing programa.
Sa ngayon sinabi ng DOLE na isinasailalim na lamang sa evaluation at pag-proseso ang nalalabing aplikasyon.
Batay sa datos ng DOLE, hanggang noong Linggo (May 9) ay umabot na sa 995,710 na manggagawa mula sa 23,051 na establisyimento, organisasyon at asosasyon ang nag-apply para sa Financial Assistance.
Mayroon namang 70,951 na manggagawa ang nag-apply para sa Financial Assistance individually bilang displaced tourism sector workers.
Sa buong bansa, ayon sa DOLE, Region 3 ang may pinakamataas na bilang ng mga aplikante na umabot na sa 162,284 (15.21%).
Batay din sa datos, 503,616 na manggagawa na mula sa 17,607 na establisyimento, organisasyon at asosasyon sa buong bansa ang naaprubahan ang aplikasyon.
Habang 17,408 na manggagawa mula sa tourism sector na ang-apply individually ang naaprubahan na para sa tulong-pinansyal.
Ayon sa DOLE, ang cash assistance sa 354,748 na manggagawa na aabot sa mahigit P1.77 billion ang nai-remit na sa mga payment center.
Habang ‘for disbursement’ pa lamang ang mahigit P831 million na para sa mahigit 166,000 pang manggagawa.