Filipino rower na si Cris Nievarez kwalipikado na sa Tokyo Olympics
Makapaglalaro na sa Tokyo Olympics ang Pinoy rower na si Cris Nievarez.
Ayon sa Philippine Rowing Association natanggap na nila ang kumpirmasyon mula sa World Rowing na si Nievarez ay nag-qualify para sa Men’s Single Sculls (M1x) sa Tokyo Olympic Games.
Binati din ng PRA si Nievarez.
Ang 20-anyos na si Nievarez ay nag-compete kamakailan sa 2021 Asia and Oceania Olympic Continental Qualification Regatta sa Tokyo, Japan.
Ang Pilipinas ay mayroon na ngayong walong atleta na kwalipikado para sa Tokyo, Olympics.
Kabilang dito sina EJ Obiena (pole vault), Carlos Yulo (gymnastics), Hidilyn Diaz (weightlifting) at Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam at Nesthy Petecio (boxing).