Resort sa Caloocan na nagbukas kahit MECQ ipinasara ng LGU

Resort sa Caloocan na nagbukas kahit MECQ ipinasara ng LGU

Ipinag-utos na ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang pagpapasara sa isang resort sa lungsod.

Ito ay makaraang kumalat sa social media ang larawan ng resort na puno ng mga taong naliligo.

Pinasasampahan na rin ng kaso ni Malapitan ang pamunuan ng Gubat sa Ciudad Resort gayundin si Barangay Chairman Romeo Ignacio Rivera ng Brgy. 171.

Kasama ding pinakakasuhan ang lahat ng pumunta para mag-swimming sa nasabing resort.

Tiniyak ni Malapitan na mananagot ang mga may-ari at operator ng resort kasama na ang mga nag-swimming at ang mga pinuno ng barangay dahil sa pagpapabaya sa tungkulin.

Ito ay matapos matapos makumpirma na nagbukas at hindi sumunod sa mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF) at mga health protocols ang nasabing resort.

Nagbigay rin ng direktiba si Mayor Malapitan na kaagad na kanselahin ang business permit ng Gubat sa Ciudad at magsagawa ng malawakang imbestigasyon sa nangyari.

Sa ilalim ng pag-iral ng MECAQ ay bawal ang pagbubukas ng mga resort.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *