52 degrees Celsius na Heat Index naitala sa Dagupan City

52 degrees Celsius na Heat Index naitala sa Dagupan City

Mainit na panahon ang naranasan sa maraming lugar sa bansa araw ng Sabado, May 8.

Sa datos mula sa PAGASA, sa Dagupan City, Pangasinan naitala ang pinakamataas na Heat Index na umabot sa 51 degrees Celsius.

Naitala ito alas 2:00 ng hapon.

Narito ang iba pang mga lugar na nakapagtala ng mataas na Heat Index.

Sangley Point, Cavite – 44 degrees Celsius
NAIA, Pasay City – 44 degrees Celsius
Ambulong, Batangas – 44 degrees Celsius
Cotabato City, Maguindanao – 44 degrees Celsius
Dipolog City Zamboanga del Norte – 43 degrees Celsius
Butuan City, Agusan del Norte – 42 degrees Celsius
Clark Airport, Pampanga – 42 degrees Celsius
Davao City, DAvao Del Sur – 41 degrees Celsius
Iba, Zambales – 41 degrees Celsius

Ayon sa PAGASA, nasa “danger level” ang Heat Index na mahigit 41 hanggang 54 degrees Celsius.

Payo ng PAGASA sa publiko palagiang uminom ng tubig ngayong nakararanas ng mainit na panahon ang bansa.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *