Pangulong Duterte umatras sa hamon niyang debate kay dating SC Justice Carpio

Pangulong Duterte umatras sa hamon niyang debate kay dating SC Justice Carpio

Umatras si Pangulong Rodrigo Duterte sa hamon niyang debate kay retired Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio.

Kasunod ito ng pagkasa ni Carpio sa nasabing debate.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa halip ay itinalaga siya ni Pangulong Duterte para humarap sa nasabing debate.

Sinabi ni Roque na handang-handa sana ang pangulo at gustong humarap sa debate.

Gayunman, pinakinggan nito ang mga payo ng mga miyembro ng gabinete kasama na si Executive Secretary Salvador Medialdea.

Nagkaisa aniya ang mga gabinete, na sinusugan din nina Senate Presidente Tito Sotto III at Senator Koko Pimentel III na walang mabuting magiging resulta ang debate sa sambayang Pilipino.

Ayon pa sa mga miyembro ng gabinete, si Pangulong Duterte ay ‘seating presidente’ habang si Carpio ay isa nang ordinaryong abogado kaya hindi maituturing na ‘tabla’ kung maghaharap sila sa debate.

Mahirap din ayon kay Roque na ang isang nakaupong pangulo ay humarap sa debate dahil lahat ng kaniyang masasabi ay maka-aapekto sa mga polisiya ng gobyerno at hindi na mababawi pa.

Sa huli sinabi ni Roque na siya ay handa na sa debate anumang oras at anumang araw at kung saan man naisin ni Caprio at ni dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *