COVID-19 testing sa ikapitong araw pagdating sa bansa ng inbound passengers aprubado na ng IATF

COVID-19 testing sa ikapitong araw pagdating sa bansa ng inbound passengers aprubado na ng IATF

Inaprubahan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) na pagsasasailalim sa swab test sa mga inbound travelers sa ikapitong araw ng kanilang quarantine.

Ayon kay Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire, walang isasagawang testing sa mga darating na pasahero pagdating nila ng bansa.

Gagawin aniya ang RT PCR test sa mga ito sa ika-pitong araw ng kanilang quarantine at kailangan nilang kumpletuhin ang sampung araw ng quarantine sa national level.

Ieendorso sa lokal na pamahalaan ang biyahero makalipas ang 10 araw na quarantine para doon niya tapusin ang apat na araw pang quarantine period.

Ayon kay Vergeire, maglalabas ng guidelines at protocols tungkol sa bagong polisiya.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *