Magsaysay, Davao Del Sur niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Del Sur.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 7 kilometers southwest ng bayan ng Magsaysay alas 2:21 ng hapon araw ng Huwebes, May 6.
May lalim na 20 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na Intensities:
Intensity V – Koronadal City
Intensity IV- Bansalan, Matanao, Hagonoy and Padada, Davao Del Sur; Davao City; Digos City; Kidapawan City; Tupi, South Cotabato
Intensity III – Lake Sebu and Tampakan, South Cotabato; Antipas, Kabacan, Matalam, M’lang, Cotabato; Columbio and Kalamansig, Sultan Kudarat
Intensity II – Pikit Cotabato; Isulan, Sultan Kudarat; Alabel Sarangani; General Santos City
Ayon sa Phivolcs, hindi inaasahan ang pinsala subalit maaring magkaroon ng aftershocks bunsod ng naturang pagyanig.