Naitalang unemployment rate na 7.1% pinakamababa simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic sa bansa ayon sa DOLE

Naitalang unemployment rate na 7.1% pinakamababa simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic sa bansa ayon sa DOLE

Ang pagbaba ng unemployment rate na naitala noong buwan ng Marso ay resulta ng unti-unti nang pagbubukas ng ekonomiya ngayong mayroong COVID-19 pandemic.

Reaksyon ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa inilabas na Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa DOLE, nadagdagan ng 2.18 million ang bilang ng mga manggagawa kaya umabot na sa 45.33 million (92.9%) ang employed persons kumpara sa 43.15 million (91.2%) lamang noong February 2021.

Sinabi rin ng DOLE na ang naitalang unemployment rate na 7.1% (3.44 million unemployed) ay maituturing nang pinakamababa simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ayon sa DOLE, kaisa ang ahensya sa economic team ng pamahalaan na nagsusulong ng ligtas na pagbubukas muli ng mga negosyo.

Sinabi rin ng DOLE na malaking bagay ang pagkakaroon na ng bakuna para sa mga manggagawa upang mas magkaroon sila ng kumpiyansa na maging economically active.

Kasabay nito hinimok ng DOLE ang mga manggagawa na magpabakuna kontra COVID-19 sa sandaling maging available na para sa kanila ang bakuna.

Patuloy din ang panawagan ng DOLE sa mga manggagawa at mga may negosyo na sundin ang minimum public health standards (MPHS), at occupational safety and health policies.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *