BGC-Ortigas Link 81 percent nang kumpleto; target mabuksan sa June 12

BGC-Ortigas Link 81 percent nang kumpleto; target mabuksan sa June 12

Nasa 81 percent na ang completion rate ng Bonifacio Global City (BGC) – Ortigas Center Road Link Project.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, target na itong mabuksan sa June 12, Independence Day.

Sa sandaling mabuksan na sa mga motorista, tinatayang aabot sa 50,000 na mga sasakyan ang gagamit nito kada araw.

Sinabi ni Villar na malaking kabawasan ito sa traffic sa EDSA.

Ang BGC-Ortigas Link ay kabilang sa mga proyekto ng pamahalaan upang ma-decongest ang EDSA.

Kabilang din sa EDSA decongestion project ang Estrella-Pantaleon Bridge na sasandaling matapos ang rehabilitasyon ay magagamit naman ng 30,000 mga sasakyan kada araw.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *