Sinas tiniyak ang 100% support sa bagong PNP Chief
Tiniyak ni outgoing PNP chief, Police General Debold M. Sinas ang 100 percent na suporta sa bagong pinuno ng pambansang pulisya na si Lt. Gen. Guillermo Eleazar.
Panawagan din ni Sinas sa 220,000-strong police organization na suportahan ang bagong pinuno ng PNP.
Si Sinas ay magre-retiro na sa pwesto sa May 8, 2021 kung kailan maaabot na niya ang mandatory retirement age na 56.
Sa Biyernes, May 7 ay isasagawa ang pormal at tradisyunal na change of command ceremonies sa Camp Crame.
“And I honestly believe we have been able to deliver more than what we promised to the President and the Filipino people, because everyone stood by me, from the ranking officers in the headquarters to the last beat patroller in the streets,” ayon kaky Sinas.
Kapwa miyembro ng PMA “Hinirang” Class of 1987 sina Sinas at Eleazar.