3.44 milyong Pinoy walang trabaho ayon sa PSA
Mayroong 3.44 milyong Filipino ang walang trabaho batay sa unemployment rate na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa buwan ng Marso.
Ayon sa datos ng PSA, 7.1 percent o 3.44 million ang naitalang unemployment rate noong buwan ng Marso.
Mas bumaba ito kumpara sa 8.8 percent o 4.19 million noong Pebrero.
Tumaas din ang Philippine Labor Force noong Marso na nasa 65 percent o 48.77 million.
Kumpara sa 63.5 percent o 47.34 million noong Pebrero.
Sa kabuuang bilang ng Labor Force sa bansa, 92.9 percent o 45.33 million ang employed persons o mayroong trabaho o pinagkakakitaan noong buwan ng Marso.
Mas mataas din kumpara sa 91.2 percent o 43.15 million noong buwan ng Pebrero.
Isinagawa ng PSA ang labor survey para sa buwan ng Marso bago pa man maipatupad ang enhanced community quarantine sa NCR Plus.