WATCH: Pangulong Duterte nag-sorry sa pagpapaturok ng Sinopharm na wala pang EUA mula sa FDA
Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte matapos mabatikos dahil sa pagpapaturok ng Sinopharm na wala pang Emergency Use Authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Ayon sa pangulo, ang pagpapabakuna niya ng Sinopharm ay pasya ng kaniyang doktor.
Sinabi ng pangulo na tinatanggap din niya ang responsibilidad sa nangyari.
Aniya mayroon namang compassionate use ang Sinoharm at legal na itong “excuse” para ito ay magamit.
Si Pangulong Duterte ay naturukan ng Sinopharm noong Lunes, May 3.
Ang Sinopharm ay mula sa China at wala pa itong EUA mula sa FDA.
Pero ayon sa FDA, inisyuhan ng compassionate use ang Sinopharm nang mag-apply nito ang Presidential Security Group.