Mahigit 2 milyong bakuna na laban sa COVID-19 ang na-administer ng pamahalaan

Mahigit 2 milyong bakuna na laban sa COVID-19 ang na-administer ng pamahalaan

Sa latest na datos mula sa National Task Force Against COVID-19, sa 4,040,600 na available doses ng bakuna sa bansa, 98% na ang naipamahagi o 3,970,680.

Mayroong 3,505 vaccination sites na nagsagsagawa ng pagbabakuna sa 17 rehiyon sa buong bansa.

Ayon sa DOH, umabot na sa 2,065,235 doses ang nai-administer. Sa nasabing bilang 1,744,649 ang nabigyan na ng first dose at 320,586 sa kanila ang nabigyan nang second dose.

Kasabay nito hinimok ng NTF at ng DOH ang mga nasa priority groups A1 hanggang A3 na magparehistrona at magpabakuna.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *