10,000 contact tracers nai-hire na ng DILG

10,000 contact tracers nai-hire na ng DILG

Nakapag-hire na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng unang batch ng mga contact tracer sa buong bansa.

Batay sa datos ng DILG, 10,136 Contact Tracers (CTs) na ang nai-hire mula sa 55,000 aspirants na naghain ng aplikasyon.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año, noong malagdaan bilang ganap na batas ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 Law agad inumpisahan ng DILG ang proseso ng hiring para sa 50,000 contact tracers.

Sinabi ni Año na dumagsa ang aplikasyon sa lahat ng DILG offices sa bansa.

“Hindi tumitigil ang mga tanggapan ng DILG sa mga highly urbanized cities at probinsya sa pag-proseso at pagtanggap ng mga aplikante,” ayon sa kalihim.

Samantala, ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan E. Malaya ang unang batch na kinapapalooban ng mahigit 10,000 contact tracers ay sumasailalim na sa training. (END)

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *