1,000 doses ng bakuna ng Sinopharm parating sa bansa

1,000 doses ng bakuna ng Sinopharm parating sa bansa

Parating sa bansa ang 1,000 doses ng COVID-19 vaccine ng Sinopharm na donasyon ng China.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kasama na sa nasabing bilang ng mga bakuna ang ituturok kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang second dose.

Sinabi ni Roque na hindi pa natuturukan ng second dose ang pangulo dahil hinihintay ang emergency use authorization o EUA para sa Sinopharm.

Kamakailan, nag-isyu na ng EUA ang Food and Drug Administration (FDA) para Sinopharm.

Noong May 3 nabakunahan ang pangulo ng unang dose ng COVID-19 vaccine gamit ang Sinopharm na noon ay wala pang EUA mula sa FDA.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *