1 milyong COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan sa China dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa ang isang milyong bakuna kontra COVID-19 na binili ng gobyerno sa China.
Sinalubong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go ang pagdating ng karagdagang 1 milyon na Sinovac vaccines sa Villamor Air Base, Pasay City.
Ang karagdagang isang milyong bakuna ay bahagi ng binili ng gobyerno na magagamit sa mga medical frontliners.
Para ito sa pagpapatuloy ng National Vaccine Rollout Program ng bansa.
Ayon kay Go, patuloy ang pasasalamat ni Pangulong Duterte sa bansang China sa kanilang tulong sa Pilipinas lalo na sa panahon ng pandemya.