1-meter physical distancing sa MRT-3 mahigpit na ipatutupad

1-meter physical distancing sa MRT-3 mahigpit na ipatutupad

Balik sa 1 metro ang distansya ng mga pasahero sa Metro Rail Transit – 3

Ito ay makaraang magpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin ang pagpapairal ng 1-meter physical distancing sa mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

“Bilang pagtalima sa desisyon ng Pangulong Duterte, mahigpit na ipatutupad ng MRT-3 ang 1-meter physical distancing sa public transportation simula ngayon, ika-19 ng Setyembre 2020,” ayon sa pahayag ng DOTr-MRT 3.

Dahil dito ayon sa MRT-3 balik sa 154 pasahero na lamang muli o 51 pasaher kada bagon ang maisasakay ng tren.

Patuloy din ang pagpapatupad ng health and safety protocols sa mga istasyon at sa loob ng mga bagon ng tren.

Kabilang dito ang pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang didisinfect at pagbabawal ng pagsagot ng tawag as kahit anong communications device, pagkain at pagsasalita habang nasa loob ng tren. (END)

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *