Mga pamilyang nasunugan sa Parañaque City tumanggap ng tulong mula kay Senator Bong Go

Mga pamilyang nasunugan sa Parañaque City tumanggap ng tulong mula kay Senator Bong Go

Nagkaloob ng tulong ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga pamilyang nasunugan sa BF Homes, Parañaque City.

Namahagi ng meals, food packs, vitamins, masks at face shields sa mga nasunugang pamilya sa Fourth Estate Elementary School Extension.

Bawat pamilya ay nakatanggap ding ng tulong-pinansyal.

“Alam kong hirap kayong lahat ngayon dahil sa pandemya tapos nawalan pa kayo ng bahay dahil sa nangyaring sunog,” ayon kay Go sa kaniyang video message.

Si Go ay una nang naghain ng Senate Bill No. 1228 na layong makapagtayo ng evacuation center sa bawat lungsod, munisipalidad at probinsya sa bansa.

Ang nasabing panukala ay nakabinbin ngayon sa Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation.

“Alam ko po na masakit at mahirap ang masunugan ng bahay, importante kumpleto kayo at walang nasaktan sa sunog. Ang gamit naman po ay mabibili, kayang kitain, pero ang buhay, hindi po ‘yan kayang mapalitan. Importante ligtas kayo,” dagdag ni Go.

Paalala naman ni Go sa mga inilikas na pamilya, tiyaking nakasusunod sa social distancing para maiwasan ang hawaan ng sakit.

Samantala, mayroon ding mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na namahagi ng tulong-pinansyal.

May mga kinatawan din ng National Housing Authority at Department of Trade and Industry na nagsagawa ng assessment sa mga pwedeng maging beneficiaries para sa housing and livelihood assistance programs.

Hinikayat din ni Go ang mga nangangailangan ng tulong medikal na lumapit sa Malasakit Center na nasa Ospital ng Parañaque.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop kung saan maaring humingi ng medical assistance sa DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Umabot na sa mahigit dalawang milyon ang naasistihan ng Malasakit Centers na pawang mahihirap na pasyente simula nang ilunsad ang programa sa Cebu City noong 2018.
Sa ngayon ay mayroong 127 Malasakit Centers sa buong bansa.

Nagpasalamat naman si Evelyn Sadio kay Go at sa mga ahensya ng gobyerno sa tulong na ibinigay sa kaniya at kaniyang pamilya.

“Ang mahalaga po, walang nangyari sa amin. Ligtas po kami. Nakatanggap kami ng assistance po galing kay Senator Bong Go, sa DSWD, malaking tulong po ‘yun para makapagsimula kaming muli,” ayon kay Sadio.

Noong June 21, ang team ni Go ay namahagi din ng tulong sa mga biktima ng sunog sa San Dionisio sa Parañaque City.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *