House Speaker Velasco, Rep. Romero dapat nag-self qurantine matapos makasalamuha si TESDA Director Isidro Lapeña ayon sa DOH

House Speaker Velasco, Rep. Romero dapat nag-self qurantine matapos makasalamuha si TESDA Director Isidro Lapeña ayon sa DOH

Sa ilalim ng Department of Health Guidelines kailangan pa rin na magself-quarantine ang isang indibidwal na naexposed sa isang COVID positive patient kahit pa man sa inisyal na COVID test nito ay lumabas na negatibo.

Ayon kay Dr. Beverly Ho, Director ng Health Promotion and Communication Service sa oras na makumpleto ang quarantine, kahit pa man asymptomatic at negatibo sa COVID test, ay saka pa lamang dapat babalik sa normal activities ang inbidwal na may exposure sa isang COVID-19 positive.

Malinaw din sa direktiba ng World Health Organization (WHO) ang kahalagahan ng quarantine sa mga na-exposed sa COVID positive patient kahit ano pa man ang resulta ng isinagawang test dahil ang COVID 19 ay maaaring magdevelop sa pagitan ng dalawa hanggang 14 araw pagkatapos ng exposure.

Ang pag-obserba sa tamang health protocol partikular na sa usapin ng quarantine ay lumutang kasunud na rin ng naiulat na paglabag mismo dito nina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker at 1Pacman Partylist Rep Mikee Romero, Diwa Partylist Rep. Mike Aglipay at House Secretary-General Dong Mendoza na nagkaroon ng direct exposure kay TESDA Director Isidro Lapeña na nagpositibo sa virus.

Ayon sa report, kasama ng mga House Leaders sa isang dinner sa Shangrila Taguig si Lapeña at iba pang Philippine Military Academy Alumni noong Nobyembre 19 na makikita sa Facebook post na walang suot na mask ang mga opisyal, makalipas ang dalawang araw ay nakumpirmang positibo sa virus si Lapeña.

Nakadalo pa sa hearing sa Senado noong Nobyembre 20 si Lapeña kaya si Sen Joel Villanueva na may direct contact dito ay nag-obserba ng quarantine ngunit sina Velasco, Mendoza at Romero ay patuloy na nakikita sa Kamara at dumadalo sa kanilang official function.

Sinabi ni Aglipay na nang magpositibo si Lapeña sa virus ay sumailalim sila lahat na dumalo sa dinner meeting sa COVID test at lahat sila ay nagnegatibo, sa panig ni Aglipay sinabi nito na inobserba nya ang quarantine at nanatili lang sa bahay subalit sa kaso nina Velasco, Romero at Mendoza ay dumadalo pa ito sa ibat ibang hearing sa Kamara.

Nobyembre 24 nang pangunahan nina Velasco at Romero ang hearing ng Kamara sa epekto ng Bagyong Ulysses at Nobyembre 25 ay makikita sa website ng Kamara na tumanggap pa sila ng courtesy call mula kina Labor Secretary Silvestre Bello at PNP Chief Debold Sinas.

Maliban kina Aglipay, Romero Lapeña, kasama din sa nasabing dinner meeting sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Information Secretary Gregorio Honasan, Environment Secretary Roy Cimatu, National Security Adviser Hermogenes Esperon, National Task Force Against COVID-19 Chief Carlito Galvez at Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista,.

Sa ngayon negatibo na si Lapeña sa virus subalit nanatili sya sa isolation kahit pa man sya ay asymptomatic, ani Lapeña istrikto nyang inoobserba ang protocols pero nalusutan pa din kaya gusto nyang maitrace kung saan nya nakuha ang virus upang matigil ang pagkalat nito

“It is somewhere outside ng aking household ‘yung napagkunan ko. ‘Yun ‘yung gusto natin i-trace at to put a stop to this para hindi na mag-spread.Yan ‘yung lesson learned sa akin kasi I follow strict protocols bilang director-general ng TESDA so I set the example pero mukhang somewhere somehow eh nalusutan ako,” paliwanag ni Lapeña.

Hindi naman makubli ng mga staff ng Kamara ang inis sa ginawa nina Romero at Velasco na naglalagay sa panganib sa kalusugan ng lahat.

“Alam nila na exposed sila,kung gusto nilang umattend sa hearing ay pwede naman through zoom, nakakalungkot dahil relax na relax ang pag obserba sa health protocols mismo ng mga lider ng Kamara”ayon sa isang kawani.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *