50 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Montalban, Rizal sa magdamag
Nakapagtala ng 50 bagong kaso ng COVID-19 sa Montalban, Rizal.
Dahil dito, umabot na sa 3,174 ang total cases ng COVID-19 sa Montalban.
Sa nasabing bilang, 2,574 ang gumaling na at 503 naman ang aktibong kaso.
Ang barangay na mayroong pinakamaraming kaso ay ang Brgy. Sa Isidro na mayroong 153 na active cases.
Narito ang bilang ng mga aktibong kaso sa bawat barangay:
San Isidro – 153
San Jose – 131
Burgos – 111
San rafael – 43
Manggahan – 30
Balite – 13
Rosario -12
Geronimo – 9
Mascap – 1
Kapwa naman walang aktibong kaso ang Barangay Puray at Barangay Macabud.