Travel Ban sa mga pasahero galing India ipatutupad ng BI

Travel Ban sa mga pasahero galing India ipatutupad ng BI

Naghahanda na ang Bureau of Immigration (BI) sa pagpapatupad ng travel ban sa sa mga biyahero galing India.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, natanggap na nila ang kopya ng resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na nagbabawal sa pagpasok sa bansa ng mga biyahero na na galing India o mayroong travel history sa India sa loob ng nakaliipas ng 14 na araw.

Ang travel ban ay iiral mula April 29 haggang May 14.

“We will implement this measure seen by the IATF as our response to the emerging situation in India,” ayon kay Morente.

Ipinatupad ang ban bunsod ng paglaganap ng bagong COVID variant sa India.

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong, ang travel ban ay para sa lahat ng biyahero na galing India.

Tiniyak ni Capulong na magsasagawa ng 100% passport inspection para matukoy ang travel history ng mga dumarating sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *