Pamahalaan nagpatupad ng travel ban sa mga lahat ng biyahero galing ng India
Nagpatupad ng travel restrictions ang pamahalaan sa mga biyahero galing India.
Bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa nasabing bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, lahat ng biyahero na may history ng pagbiyahe sa India sa loob ng nakalipas na 14 na araw ay hindi papayagang pumasok ng bansa simula alas 12:01 ng madaling araw ng Huwebes, April 29.
Tatagal ang pag-iral ng travel restrictions hanggang May 14, 2021.
Ang mga pasahero galing India na darating sa bansa bago mag-Apr. 29 ay hindi pa sakop ng ban subalit kailangang sumailalim sa istriktong quarantine at testing protocols.