DFA Sec. Locsin hiniling sa IATF na magpatupad ng travel ban sa India
Iminungkahi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. sa Inter Agency Task Force na magpatupad ng travel ban sa India.
Layon aniya nitong matiyak ang kaligtasanng lahat.
Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa India at mayroon ding na-detect na bagong variant ng COVID-19 doon.
“I have suggested to the IATF that a travel ban be imposed on all our good friends in the entire Indian subcontinent; it’s not personal; it’s for everyone’s safety for now; we’ll be able to be together again and we can recall the time when we had to be apart to live,” ayon kay Locsin.
Sinabi ni Locsin na tinanong siya ng IATF sa isyu para malaman kung mayroon pang implikasyon sa foreign policy kung magpapatupad ng travel ban sa nasabing bansa.
Ani Locsin, sinabi niya sa IATF na hindi magkakaroon ng foreign policy implications dahil ang layunin lamang naman ng ban ay ang kaligtasan ng bawat isa.