WATCH: Lolo patay matapos magkagulo sa pila sa itinayong community pantry ng aktres na si Angel Locsin
Dinumog ng mga tao ang Community Pantry na binuksan ng aktres na si Angel Locsin sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City.
Ginawa ng aktres ang pagbubukas ng Community Pantry bilanng pagdiriwang ng kaniyang Kaarawan ngayong araw (Apr. 23).
Ayon kay Locsin, maayos namang nagsimula ang pamamahagi ng tulong pero nagsimulang magkagulo nang mayroong sumingit sa pila.
Sinabi ni Locsin na well-coordinated sa QC – LGU at barangay ang aktibidad.
Mayroon ding pulis, sundalo at mga taga-barangay subalit sadyang hindi makontrol ang mga tao.
Isang 67 anyos na lolo ang hinimatay habang nakapila sa nasabing community pantry.
Ayon sa mga taga-barangay ang lolo na si Rolando dela Cruz ay idineklarang dead on arrival sa ospital.