Red rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Cantanduanes; Orange nakataas sa marami pang lalawigan sa Bicol Region
Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa maraming lugar sa Bicol Region dahil sa pag-ulan na dulot ng Typhoon Bising.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Martes (April 20), red warning level na ang nakataas sa Catanduanes.
Orange warning level naman ang nakataas sa Northern Samar, Sorsogon, Albay, at Camarines Sur.
Yellow warning level naman ang nakataas sa Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands.
Samantala ayon sa PAGASA, nakararanas din ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Camarines Norte, Oriental Mindoro at Romblon at Marinduque.
Ang nararanasang pag-ulan ay maaring tumagal ng 2 hanggang 3 oras.