Typhoon Bising bahagyang humina, magpapaulan pa rin sa Eastern Visayas at Bicol Region

Typhoon Bising bahagyang humina, magpapaulan pa rin sa Eastern Visayas at Bicol Region

Bahagyang humina ang Typhoon Bising habang nananatili sa Philippine Sea.

Huling namataan ang bagyo sa layong 290 kilometes East ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 250 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 2 sa sumusunod na mga lugar:

• LUZON:
Catanduanes

• VISAYAS:
Northern Samar, Eastern Samar, and Samar

Tropical cyclone wind signal number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:

• LUZON:
Eastern portion of Camarines Norte (San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud), Camarines Sur, Albay, Sorsogon, and Masbate including Burias and Ticao Islands

• VISAYAS:
Biliran, Leyte, Southern Leyte, and the northern portion of Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) including Bantayan and Camotes Islands

• MINDANAO:
Dinagat Islands, Siargao Islands, and Bucas Grande Islands

Ayon sa PAGASA ang rain bands ng bagyo ay magdudulot pa din ng katamtaman hanggang malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Eastern Visayas at Bicol Region.

Bukas, April 19 katamtaman hanggang malakas at kung minsan ay malakas na pag-ulan pa rin ang mararanasan sa Bicol Region and Northern Samar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *