1 patay, 1 pa ang nawawala sa nasunog na bangka sa Zamboaga City

1 patay, 1 pa ang nawawala sa nasunog na bangka sa Zamboaga City

Isang crew ng bangka ang nasawi habang mayroong isa pa ang nawawala sa sunog na naganap sa Petron wharf sa Baliwasan, Zamboanga City, Biyernes (Apr. 16) ng gabi.

Ayon kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco, batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagsabog sa M/L Saida Mae na naging dahilan ng sunog.

Mayroong apat pang crew nito ang nasugatan din habang dalawa ang nakaligtas.

May lulang softdrinks at 200 barrels ng gasolina ang bangka nang mangyari ang insidente.

Ayon kay City Fire Marshall F/CInsp. Jacqueline Ortega, umabot sa second alarm ang sunog at naideklarang fire out alas 6:30 na ng umaga ng Sabado (Apr. 17) .

Kinilala ang nasawi na si Jimlani Malib Rini na natupok matapos hindi na makaalis ng bangka.

Malubha namang nasugatan ang boat captain na si Jilamad Addah, na kinailangang putulan ng paa, ang mga crew na sina Mawar Najar Haminon, Jupakkal Ahamad at Nurhan Ahamad Amping, na pawang nagtamo ng second degree burns.

Patuloy namang pinaghahanap ang crew na si Mujib Masaraja Abdurasid.

Umabot sa P2 million halaga ang pinsala ng sunog.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *