Operasyon ng LRT-2 iiksian dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang mga tauhan

Operasyon ng LRT-2 iiksian dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang mga tauhan

Iiksian ng LRT-2 ang biyahe ng mga tren nito dahil sa pagtaas ngn kaso ng COVID-19 sa kanilang mga tauhan.

Ayon sa pahayag ng Light Rail Transit Authority (LRTA), simula sa April 17 hanggang April 30, 2021 ay iiksian ang oras ng biyahe.

Tumataas kasi ang bilang ng mga frontline personnel ng LRT-2 na nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa abiso ng LRTA, sa loob ng nasabing mga petsa, ang frist commercial train ay aalis ng alas 6:00 ng umaga mula sa dating alas 5:00 ng umaga.

Ang last commercial train naman ay aalis ng alas 6:00 ng gabi sa Recto Station at Santolan Station.

Sa May 1, 2021 ay magre-resume ang regular na operasyon ng LRT-1.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *