Calatagan, Batangas niyanig ng magnitude 5.0 na lindol
(UPDATE) Itinaas ng Phivolcs sa magnitude 5.0 ang lindol na tumama sa Batangas, Miyerkules (April 14) ng madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 10 kilometers Northwest ng bayan ng Calatagan 2:39 ng madaling araw.
May lalim na 198 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Calatagan, Batangas bunsod ng pagyanig.
Hindi naman ito nagdulot ng pinsala at hindi rin inaasahan ang aftershock.