Crime group leader patay sa engwentro sa Maynila
Patay matapos na manlaban sa mga pulis ang isang lalaking suspek sa pagpatay sa isang dating pulis-Maynila.
Ayon sa inilabas na spot report ng Manila Police District, nagtungo sa bahay ng suspek na si Rommel Tiatco sa Barangay 93 Tondo, Maynila ang mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMART), para isilbi ang warrant of arrest sa kasong murder.
Si Tiatco ay wanted sa kasong pagpatay sa dating pulis ng MPD na si PSSg Dranreb Cipriano.
Pero sa halip na sumuko ay nanlaban ang suspek dahilan para paputukan ito ng mga pulis.
Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center Hospital si Tiatco pero idineklara itong dead on arrival.
Ayon sa mga otoridad si Tiatco ay lider ng “Tiatco Crime Group” at sangkot din sa mga insidente ng robbery-hold up, carnapping, Basag Kotse, at street level drug pusing sa Maynila, Quezon City at Caloocan.