Filipino Seafarers kasama na sa priority list para sa vaccination program ng pamahalaan
Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) na mapasama ang mga Filipino seafarers sa priority list para sa mga tatanggap ng bauna sa ilalim ng national vaccination rollout ng pamahalaan.
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, krusyal ang kontribusyon ng mga seafarer sa ekonomiya ng bansa.
Maituturing aniya silang mga “bayani”.
Sinabi ni DOTr OIC Assistant Secretary for Maritime VADM Narciso Vingson Jr., isinulong na mapasama sa prayoridad ang mga Filipino seafarers paraz matiyak din ang pagkakaroon ng ligtas na shipping operations ng mga essential goods ngayong may pandemya.
Ayon sa DOTr, ang mga seafarers ay nasa top 4 priority na ngayon para sa pagbabakuna.
Ang klasipikasyon ng mga babakunahang seafarers ay hianti sa dalawa.
Unang prayoridad ang mga aktibong seafarers o iyong mayroong recorded sea service sa nakalipas na tatlong taon.
Habang ang mga mayroong recorded sea service na beyond 2018 ay pangalawa sa prayoridad.