Maraming lugar sa Mandaluyong, Pasig, at QC nawalan ng suplay ng tubig dahl sa tumagas na tubo ng Manila Water sa EDSA
Nagsasagawa ng emergency leak repair ang Manila Water sa linya ng tubig nito sa EDSA/Boni Avenue (Northbound) sa Mandaluyong City.
Ayon sa Manila Water, ang tubo ay nasira ng AWIN Technology na third-party contractor at nagsasagawa ng CCTV network installation sa lugar.
Narito ag mga lugar na apektado ng water service interruption:
MANDALUYONG CITY:
Barangka Drive
Barangka Ibaba
Parts of Barangka Itaas
Barangka Ilaya
Buayang Bato
Parts of Hagdang Bato Libis
Malamig
Mauway
Plainview
Pleasant Hills
San Jose
Wack-wack
Highway Hills
PASIG CITY:
Bagong Ilog (except Kawilihan Village)
Parts of Kapitolyo
Oranbo
San Antonio
Ugong
QUEZON CITY:
Parts of Kaunlaran
Bagong Lipunan ng Crame
Valencia
Ugong Norte
Inaasahang alas 5:00 pa ng hapon ngayong araw, April 12 matatapos ang repair.
Nagtalaga na ng water tankers ang Manila water sa mga apektadong barangay.