Office of the Ombudsman sa QC mananatiling sarado sa publiko hanggang April 18
Mananatiling sarado sa publiko ang Office of the Ombudsman sa Quezon City.
Ayon sa abiso, nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa tanggapan.
Dahil dito at bilang pagsuporta na din sa naisin ng pamahalaan na malimitahan ang bilang ng mga taong lumalabas ng kanilang tahanan ay mananatili munang sarado ang tanggapan hanggang April 18.