North Korea hindi sasali sa Tokyo Olympics dahil sa banta ng COVID-19

North Korea hindi sasali sa Tokyo Olympics dahil sa banta ng COVID-19

Para matiyak na protektado sa COVID-19 ang kanilang mga atleta, sinabi ng North Korea Sports Ministry na hindi na ito lalahok sa Tokyo Olympics.

Ang pasya ay matapos ang pulong ng Olympic committee ng NoKor kasama ang kanilang sports minister na si Kim Il Guk.

Nagpasya ang komite na hindi na lumahok sa 32nd Olympics Games para matiyak na hindi maaapektuhan ng pandemya ang kanilang mga atleta.

Pinagusapan din sa pulong ang iba pang pamanaraan para mapagbuti ang professional sports technologies, at kakayahan ng mga atleta sa mga international competitions.

Gayundin ang pormosyon ng public sports activities sa NoKor sa susunod na limang taon.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *