Mahigit 43,000 nabakunahan na kontra COVID-19 sa Maynila
Umabot na sa 43,737 na indbidwal ang nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Batay ito sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD).
Kabilang sa mga nabakunahan ay mga frontline workers (A1), senior citizens (A2), at mga indbidwal na mayroong comorbidities (A3).
Noong Lunes, April 5 ay narito ang bilang n gmga nabakunahan:
—1,282 new vaccines deployed
—1,153 frontline workers – second dose (A1)
—78 senior citizens – first dose (A2)
—51 persons with comorbidities – first dose (A3)
Patuloy naman ang paghihikayat ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga Manilenyo na magpabakuna lalo na’t limitado pa ang bilang ng COVID-19 vaccines na dumarating sa bansa.
Lahat naman ng interesado magpabakuna kontra COVID-19 ay maaari nang mag-register sa http://www.manilacovid19vaccine.ph