Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City 36,857 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 47,178 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ng Miyerkules, March 31.
Samantala, nasa 9,422 o katumbas ng 20 percent ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
36,857 o 78.1 percent ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 899 o 1.9 percent ang nasawi.