Mahigit 11,200 nabigyan na ng unang dose ng bakun sa Pasig City
Mayroon nang 11,262 na indibidwal na nabigyan ng unang dose ng bakuna ng COVID-19 sa Pasig City.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, alinsunod sa DOH Prioritization Guidelines, inuuna ang mga exposed na exposed sa COVID: hospital workers, private health care professionals, non-medical covid responders, atbp.
Nakapag-generate na rin ng unang listahan ng may co-morbidities mula sa Pasig Health Monitor na sa kasalukuyan ay binabakunahan na rin.
Tuloy-tuloy naman ang profiling para sa ibang mga sektor.
Ayon kay Sotto, dahil hindi lahat ay mayroong internet, may nagsasagawa din ng profiling sa pamamagita ng tawag sa telepono at pagbabahay-bahay.
Sa mga mayroon namang internet, maaaring gumawa o mag-update ng profile sumusunod na link:
SENIOR CITIZENS: http://bit.ly/Profiling_SC
PERSONS W/ DISABILITIES: http://bit.ly/Profiling_PWD