71 pang Pinoy sa ibang bansa nagpositibo sa COVID-19; 1 pa ang nasawi

71 pang Pinoy sa ibang bansa nagpositibo sa COVID-19; 1 pa ang nasawi

Nadagdagan ng 71 pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.

Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) araw ng Martes, March 30, nakapagtala din ng isa pang Pinoy na nasawi.

Sa kabuuan ayon sa DFA, 16,148 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.

Sa naturang bilang, 9,792 na ang gumaling habang 5,308 pa ang sumasailalim sa gamutan.

Nasa 1,048 naman ang bilang ng mga nasawing Pinoy sa ibang bansa dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 ay sa Middle East / Africa na umabot sa 8,888.

Sumunod ang Asia Pacific Region na mayroong 3,084 cases.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *