Iba pang lugar sa bansa isinailalim sa MECQ at GCQ
Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang quarantine classifications na iiral sa bansa sa kabuuan ng buwan ng Abril.
Ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay mananatili sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang April 4, 2021.
Simula April 1 hanggang April 15 ay sasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang sumusunod na lugar:
– Santiago City
– Quirino Province
Simula naman April 1 hanggang April 30 iiral ang General Community Quarantine (GCQ) sa sumusunod na mga lugar:
– Cordillera Administrative Region (CAR); – Cagayan
– Isabela
– Nueva Vizcaya
– Tacloban City
– Iligan City
– Davao City
– Lanao del Sur
Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.