Comelec Offices sa Maynila sarado hanggang March 28
Isasara simula ngayong araw, March 24 hanggang March 28 ang mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Maynila.
Ang mga isasarang tanggapan ng Comelec ay ang mga nasa Districts 1 hanggang 6 ng lungsod.
Maari silang ma-contact sa pamamagitan ng kani-kanilang Facebook Pages, e-mail addresses at contact details.
Ang voter registration sa nasabing mga opisina ng Comelec ay magre-resume sa March 29, 2021.