Manila Mayor Isko Moreno ayaw pag-usapan ang plano ng isang koalisyon na kunin siyang presidential candidate sa 2022
Tumanggi si Manila Mayor Isko Moreno na pag-usapan ang tungkol sa nalalapit na halalan at ang plano ng isang koalisyon na kunin siyang presidential candidate.
Ayon kay Moreno, sa gitna nang nagaganap na pandemya ay mas dapat pagtuunan ng panahon ang paglutas o pagtugon sa health crisis lalo na ang tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa Maynila.
Aminado ang alkalde na hindi siya komportable na pag-usapan ang pulitika lalo na at sa report ng Department of Health (DOH) ay may 8,019 new COVID-19 noong Lunes.
Mas kailangan aniya na magpartisipa sa usapin kung paano pababain ang 8,000 covid 19 infections.
Nabatid na sa Maynila ay mayroong tinatayang 600 na bagong kaso araw-araw na kailangang bigyang kalutasan ng alkalde.
Pinasasalamatan ng Alkalde ang pribadong sektor na katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagtugon sa covid 19 cases at sa epekto nito sa ekonomiya.