Kaso ng COVID-19 sa Maynila nadagdagan ng 704 pa
Nadagdagan ng 704 pa ang kaso ng COVID-19 sa Maynila.
Sa datos mula sa Manila Health Department, hanggang alas 12:00 ng tanghali ng Lunes – March 22, ay 2,933 na ang active cases ng COVID-19 sa lungsod.
Umabot na sa 34,548 ang total confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Habang 30,756 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling na makaraang makapagtala pa ng dagdag na 420 recoveries.
Nakapagtala naman ng 7 pang nasawi kaya 859 na ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa lungsod dahil sa COVID-19.
Pinakamaraming aktibong kaso ay sa Tondo 1 na umabot sa 464 cases.