COVID-19 ward at ICU units ng St. Luke’s Medical Center full capacity na
Puno na ang COVID-19 ward at ang ICU units ng St. Luke’s Medical Center Global City, Taguig at Quezon City.
Batay ito sa abiso ng pagamutan araw ng Lunes, March 22.
Patuloy naman ang pagse-serbisyo ng St. Luke’s sa mga non-COVID-19 cases, outpatient man o inpatient.
Muli ring maglalabas ng abiso ang ospital tungkol sa update sa kanilang COVID-19 ward at ICU units.