BREAKING: Mahigit 7,700 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH
Nakapagtala muli ang Department of Health (DOH) ng malaking bilang ng dagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang umabot sa mahigit 7,700 ang nadagdag na bagong kaso ng sakit sa magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Linggo (March 21), umabot na sa 663,794 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 7,757 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 577,754 ang gumaling o katumbas ng 87 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 15,288 na gumaling.
73,072 naman ang active cases o katumbas ng 11 percent.
95 percent ng mga aktibong kaso ay mild lamang ang sintomas, 2.3 percent ang asyptomatic, 1 percet ang kritikal at 1.1 percent ang severe.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 39 pang pumanaw sa sakit.
12,968 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.95 percent.