Pagkakakilanlan ng babaeng nag-selfie ng walang face mask at face shield sa loob ng tren tinutukoy na ng MRT-3

Pagkakakilanlan ng babaeng nag-selfie ng walang face mask at face shield sa loob ng tren tinutukoy na ng MRT-3

Nakarating na sa pamunuan ng MRT-3 ang viral video ng isang babaeng pasahero na nagtanggal ng face mask at face shield sa lobob ng tren para makapag-selfie.

Paalala ng MRT-3 ang pagpapatuapd ng health and safety protocols, kabilang ang pagsusuot ng masks, face shields, at pagsunod physical distancing measure ay utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at ipinatutupad sa lahat ng pampublikong mga saskayan.

Dahil dito, maituturing umanong kapabayaan at insensitive ang ginawa ng nasabing pasahero na posibleng maging banta ng panganib sa mga kapwa niya pasahero.

Gumagawa na ng hakbang ang MRT-3 para matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing babae upang maimbestigahan at masampahan ng kaso kaugnay sa paglabag sa public health and safety protocols.

Nagsasagawa din ng imbestigasyon para malaman kung nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng transport marshal na naka-duty.

Hinikayat muli ng pamunuan ng MRT-3 ang mga pasahero na istriktong sundin ang health protocols sa loob ng mga tren.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *