Tanggapan ng NAPOLCOM sa QC isinailalim sa lockdown
Isinailalim sa lockdown ang tanggapan ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa EDSA kanto ng Quezon Avenue sa Quezon City.
Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang ilang mga empleyado ng NAPOLCOM Central Office.
Ayon sa abiso ng NAPOLCOM, tatlong araw tatagal ang lockdown o mula March 17 hanggang March 19.
Ito ay para makapagsagawa ng disinfection at contact tracing.
Ang mga empleyado ng NAPOLCOM ay sasailalim muna sa work-from-home status.
Magtatalaga naman ng receiving personnel sa Ground Floor lobby ng gusali para tumanggap ng mga dokumento.