Pamahalaan muling nagpatupad ng travel ban sa mga dayuhan at mga Pinoy na non-OFWs
Muling nagpairal ng travel ban ang pamahalaan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 na naitatala sa bansa nitong nagdaang mga araw.
Sa inilabas na memorandum circular ng Inter Agency Task Force at National Task Force Against COVID-19 , suspendido pansamantala ang pagtanggap ng mga dayuhang biyahero at mga returning Filipinos na hindi Overseas Filipino Workers (OFWs).
Nakasaad sa memorandum na tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa at nakapagtatala pa ng iba’t ibang variant.
Ito ay mula sa madaling araw ng March 20, 2021 hanggang April 19, 2021.
Iniutos din ang paglimita sa pagtanggap ng inbound international passengers sa hanggang 1,500 lamang kada araw.
Exempted sa travel ban ang pag-biyahe na may kaugnayan sa medical repatriation, ang mga uuwing distressed OFWs at OFs na inindorso ng DFA, at emergency, humanitarian at iba pang analogous cases na aprubado ng NTD COVID-19.