Kaso ng COVID-19 sa Maynila nadagdagan ng 361 pa
Nadagdagan ng 361 pa ang kaso ng COVID-19 sa Maynila.
Sa datos mula sa Manila Health Department, hanggang alas 12:00 ng tanghali ng Lunes – March 15, ay 1,673 na ang active cases ng COVID-19 sa lungsod.
Umabot na sa 31,190 ang total confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Habang 28,686 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling na makaraang makapagtala pa ng dagdag na 235 recoveries.
Nakapagtala naman ng 7 pang nasawi kaya 831 na ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa lungsod dahil sa COVID-19.
Pinakamaraming aktibong kaso ay sa Sampaloc na umabot sa 254 cases.